907
taxi-driver
By

Bebot na nanampal ng taxi driver, sinuspinde ang lisensiya

Sharing is caring!

Makalipas ang apat na buwan, naglabas na ng desisyon ang Land Transportation Office ukol sa pananakit ng isang babaeng motorista sa isang matandang taxi driver sa Quezon City.

Ipinag utos ng LTO ang anim na buwang suspensyon sa drivers license ni Cherish Sharmaine Interior.

Bukod pa dito, ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, pinagmulta rin nila si Interior ng P10,000 dahil sa pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan.

Pinagmumulta din siya ng P1,000 sa reklamon obstruction.

Magugunita na naging viral sa social media ang pananakit ni Interior sa 52-anyos na driver na si Virgilio Doctor, na isa ring stroke victim.

Ang insidente ay nag ugat sa awayan sa pagmamaneho ni Doctor sa Congressional Avenue.

Nagsampa din ng kasong kriminal si Doctor laban kay Interior.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?