2,279

Sep 26, 2021 @ 15:07

Bebot na nakikipag-sex, nahulog sa apartment

Bumagsak sa isang nakaparadang kotse sa Taiwan ang isang babae na ‘di namalayan na papahulog na pala siya dahil nasa gitna siya ng umaatikabong sex sa balcony ng isang apartment.

Sa kuha ng CCTV noong Setyembre 5, nakita ang babaeng bumagsak sa itim na sedan na nakaparada sa baba ng apartment kung saan nagsisiping ang babae at partner nito.

Una ang paa sa pagbagsak ng kawawang babae na halos wala ng saplot dahil nasa gitna siya ng pakikipagromansa.

Agad namang bumaba ang kanyang kasiping para siya ay tulungan.

Dinala agad ang babae sa pagamutan na nagtamo ng minor back injury.

Samantala, binayaran din nila ang nasirang kotse na nabutas ang bubong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,