801

Nov 24, 2021 @ 17:05
By

Bebot na nagpakasal sa sarili, nakipag-hiwalay

Nagdesisyon ang isang 33-anyos na babae mula Brazil na hiwalayan ang kanyang sarili – matapos niyang pakasalan ang sarili noong Setyembre.

Ayon sa ulat ng isang pahayagan sa UK, kinilala ang babae bilang si Cris Galera, isang modelo.

Kwento ni Galera, makikipaghiwalay na siya sa kanyang sarili dahil mayroon siyang nakilalang ‘something special.’

Kaya naman, tumagal lang ng 90 araw ang pagiging kasal niya sa kanyang sarili.

“I was happy while it lasted,” kwento ni Galera. “I started to believe in love the moment I met someone else special.”

Ayon pa sa kanya, naisip niyang pakasalan ang sarili dahil nadiskubre niyang kaya niyang tumayo mag-isa.

“I was always afraid of being alone, but I realised that I needed to learn to feel good about myself. When that happened, I decided to celebrate it,” dugtong pa nito. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?