81

Mar 22, 2020 @ 8:44

Bebot na nagdudura sa bus, tren inaresto

Hinuli ng mga awtoridad ang isang babaeng Chinese na panay ang dura sa loob ng isang bus at isang tren sa Bangkok, Thailand.

Nakarating sa Department of Disaster Prevention and Mitigation ang aksiyon ng babae via social media complaint, kaya rumesponde sila at inaresto ang babae noong Huwebes, Marso 19. Pinakalat din ng ahensiya ang larawan ng pag-aresto ng naka-protective suit na opisyal sa naturang babae.

Ayon sa The Nation/Asia News Network, naglibot ang babae sa loob ng bus na may biyaheng Bangkok-Saraburi at pinagduduraan ang iba’t ibang sulok ng sasakyan.

Nang dumating sa terminal ang bus, sinubukan ng mga awtoridad na i-test siya sa COVID-19 ngunit tumanggi ito, sinabing mananatili lang siya roon nang ilang araw, saka naglakad palayo.

Namataan na naman siya, sa isang tren papuntang Bangkok, kaya nagdesisyon na ang mga awtoridad na hulihin siya. Nagpumiglas ito at sinubukang duraan ang mga opisyal.

Na-quarantine na ang babae noong Marso 20 at tinest na sa COVID-19 sa Siriraj Hospital. Nagnegatibo ito sa COVID-19, ayon pa sa ulat.

https://www.asiaone.com/asia/chinese-woman-spitting-spree-bangkok-public-transport-arrested

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?