431

Feb 28, 2020 @ 19:08
By

Bebot na kasama, tumakas: HS principal patay sa loob ng hotel

Isang high school principal ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang hotel sa Ilagan City, Isabela, Huwebes ng hapon.

Sinubukan pang dalhin sa Governor Faustino Dy Memorial Hospital ang biktimang nakilalang si Edford Rico, principal ng Lalaunan National High School subalit idineklara na rin itong dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-11:43 ng umaga ng mag-check-in sa Sky Park Hotel na matatagpuan sa Barangay Alibagu ng lungsod na ito ang principal kasama ang isang hindi pa kilalang babae lulan ng kanyang sasakyang Mitsubshi Adventure.

Subalit makalipas ang isang oras ay tumawag sa front desk ng hotel ang babaeng kasama ng principal at humihingi ng tulong dahil nawalan umano ng malay ang kanyang kasamang lalaki.

Mabilis naman ang responde ng mga tauhan ng hotel at nakita nila ang biktima na wlaang malay tao na nakahiga sa kama.

Agad namang dinala ng rescue Drat 831 na tinawagan ng pamunuan ng hotel ang biktima sa nabanggit na ospital subalit idineklara na rin itong dead on arrival ng doktor na sumuri dito.

Patuloy naman nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Provincial crime laboratory ng Isabela upang mabatid kung ano ang tunay na nangyari sa biktima habang hindi na makita ang babaeng kasama nito na sinamntala ang kaguluhan upang pumuslit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?