15

Jul 19, 2021 @ 20:27

Bebot na asset ng pulis, niligpit

Patay ang dalawang babae kabilang ang isang asset ng mga pulis sa magkahiwalay na pamamaril sa Sta. Rosa City at Sta. Cruz , Laguna nitong Linggo.

Dalawang tama ng bala sa katawan ang tumagos sa katawan ng biktimang si Cora Obo Alojado, nang pagbabarilin ng suspek na si Honorio Dela Cruz, sa Sitio Iraq, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City alas-3:00 Linggo ng hapon.

Bumibili ito sa tindahan nang barilin ng suspek na mabilis ding tumakas matapos ang pamamaril.

Ang biktima na agad nasawi ay sinasabing asset ng Sta. Rosa PNP Intel division.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen.

Samantala sa bayan ng Sta. Cruz, nagga-garden sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Gatid si Marian Rosales Molera nang malapitang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Inaalam pa rin ang motibo at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?