27

Jun 23, 2022 @ 19:20
By

Bebot kumikita sa pagbebenta ng dura, ginamit na cotton buds

Kakaiba ngunit patok ang raket ng isang babae mula North Carolina, USA na kumikita ng 8,000 pounds o mahigit P530,000 kada buwan sa pagbebenta iba’t-ibang bagay gaya ng dura, pinag-gupitan ng kuko, at ginamit na cotton buds.

Ayon sa ulat ng The Mirror, kinilala ang babae bilang si Rebekka Blue, 28-anyos.

Wika umano ni Blue, natatakot na siyang itapon ang kahit anong bagay dahil naniniwala siyang may halaga ang mga ito.

Kung ano-ano ang binebenta ng babae. Mula sa dura, pinaggupitan ng kuko, ginamit na cotton buds, pinagliguang tubig, buhok sa kilikili, sariling panti, at kahit ang kanyang dighay.

Kumikita si Blue ng mahigit P530,000 kada buwan sa kanyang raket. Nagkakahalaga ng mula 80 hanggang 290 British pounds bawat isa ang kanyang mga binebenta.

“I don’t throw away dirty things anymore – if I’m in the mood for a new wardrobe, I can sell my dirty clothes to get new items,” wika ni Blue. “I offer a selling service that brings pleasure and makes the buyers feel good in a safe environment.”

Sa laki umano ng kanyang kinikita ay nakapagpatayo na siya ng isang dog rescue foundation. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?