99

Aug 5, 2022 @ 18:34
By

Bebot kulong habambuhay sa sunog na 46 namatay

Hindi nagpakita ng pagsisisi ang isang babaeng nanggigil sa dyowa kaya sinilaban ang isang apartment na may 13 palapag, na kumitil sa 46 katao.

Ayon sa ulat, hinatulan ng life sentence ang Taiwanese woman na si Huang Ke-ke, 51, nitong Biyernes sa mga kaso niyang murder at arson nang silaban ang apartment noong nakaraang Oktubre sa southern city ng Kaohsiung.

Nagsimula umano ang sunog nang iwan ni Huang sa kanyang sofa na nakasindi ang insenso saka tumakas sa apartment building.

Sinadya umano ni Huang na sunugin ang apartment upang ipahiya ang kanyang boyfriend na pinaghihinalaan niyang nambababae.

Sinabi naman ng mga prosecutor na iaapela nila ang naibabang hatol laban kay Huang, na hinirit nilang maparusahan ng kamatayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?