787

Nov 9, 2017 @ 16:36
By

Bebot kinatay ng driver-lover

Sampung oras nang nakababad sa kanyang sariling dugo ang isang negosyanteng babae bago nadiskubre ang kanyang bangkay sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Parañaque City Police, tadtad ng saksak sa leeg at katawan ang biktimang si Mechie Modesto, 42, nang madiskubre ng anak sa loob ng kanyang kuwarto sa Verdant Teoville 3, Barangay BF Homes.

Ang kanyang anak na si Malcolm ang unang nakakita sa bangkay.

Samantala, pinaghahanap na ngayon ng pulisya si Edwin Casas, 35, driver at boyfriend ng biktima.

Si Casas ang kasama ni Modesto nang huling makitang buhay ang biktima alas-6:30 ng umaga ng Miyerkules.

Nakuha pa sa CCTV footage ang pagpasok ni Casas sa unit ng kanyang girlfriend.

Makalipas ang mahigit 10 oras, natagpuan na tadtad ng saksak sa leeg at katawan ang biktima.

Hinala ng pulisya, maaaring love triangle ang motibo sa pamamaslang dahil may pinagseselosan na lalaki ang suspek. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?