31

Nov 11, 2021 @ 11:28
By

Bebot kalaboso sa shabu

Himas-rehas ang isang 30-ayos na tindera sa Minalin, Pampanga matapos mahulihan ng P2 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation noong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek bilang si Noraya Ampaso, residente ng Angeles City.

Ayon sa ulat ng Central Luzon PNP, binentahan ni Ampaso ng P10,000 halaga ng shabu ang isang undercover agent na siyang naging hudyat ng kanilang pag-aresto.

Nakumpiska mula sa suspek ang 305 gramo ng shabu na hinati sa pitong sachet.

Nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?