44

Mar 8, 2018 @ 11:52
By

Bebot itinumba sa haybol

May kinalaman sa droga ang tinitingnan posibleng motibo sa pagpatay sa isang babae sa loob mismo ng kanyang bahay sa Pasay City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Lorieluz Valdez, 27, residente ng Barangay 187.

Base sa inisyal na imbestigasyon, alas-siyete ng gabi nang pasukin ang biktima ng nag-iisang salarin at bigla na lang itong binaril sa ulo.

Sa pagtakas ng salarin ay agad isinugod si Valdez sa San Juan de Dios Hospital ngunit nalagutan ito ng hininga habang ginagamot.

Bagama’t may mga nakasaksi sa pangyayari, ayaw naman nilang magbigay ng pahayag, ayon sa mga imbestigador.

Nabatid na isinasangkot ang biktima sa droga sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?