814

Nov 22, 2021 @ 9:12
By

Bebot itinuloy kasal sa napatay na partner

Matapos mapatay ng kanyang sana’y groom ilang linggo bago ang kanilang kasal, itinuloy pa rin ng isang bride sa Bulacan ang pag-iisang dibdib – sa burol ng lalaki.

Sa isang viral social media post, itinuloy ni Gileen Gutierrez ang kasal sa yumaong partner na si Marco Luis Dayao sa burol nito noong Huwebes.

Si Dayao ay pinagbabaril sa labas ng bahay nila noong Lunes.

Samantala, ang kasal ng dalawa ay nakatakda sana sa Disyembre 19.

Kaya naman sa burol ni Dayao sa Father’s Cradle Memorial Chapel in the City of Malolos ay isinagawa pa rin ni Gutierrez ang kasal.

Sa pagkapatay kay Dayao ay naulila rin ang dalawa nilang anak ni Gutierrez.

Dinamayan naman ng mga kapamilya at kaibigan si Gutierrez sa araw ng isinagawa nilang ‘kasal.’

Iniimbestigahan pa ng mg awtoridad ang mga posibleng suspek sa pagpatay kay Dayao. (mjd)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?