39

Oct 5, 2021 @ 19:40
By

Bebot, inistalk ng lalaki ng 5 milya para sabihan ng maganda

Windang na windang ang isang babae sa UK habang binabahagi sa TikTok ang kanyang istorya kung paano siya sinundan ng isang lalaki sa loob ng limang milya para lamang sabihin na maganda siya.

Ayon sa babaeng nagngangalang Kenny, hindi niya agad napansin na may sumusunod sa kanya at nalaman na lamang ito pagdating niya sa kanyang tinitirhan.

“So I just got home and there was a car who pulled up behind me, right, which is fine because I live in an apartment complex and that’s normal,” aniya.

“But this car wedges itself between me and the parking garage, and there’s a man in it. He motions for me to roll my window down, so I did and I was like ‘Can I help you?'” kwento pa ni Kenny.

Tinanong raw ng lalaki si Kenny kung doon siya nakatira. Sa takot, nagsinungaling ang babae para sabihing may pinuntahan lang siya roon.

Dito na umamin ang stalker sa kanyang pakay sa babae.

“He says ‘I’ve been following you for five miles’ because he saw me at a stoplight and wanted to tell me I was pretty. In what f***ing world is that appropriate?” saad pa ni Kenny.

Hindi natuwa ang babae at sa halip ay kinabahan pa nga dahil sa pag-stalk ng lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,