46

By

Bebot hinoldap gamit ang toy gun

Sharing is caring!

Hindi inakala ng isang babae na toy gun pala ang ginamit ng suspek na nangholdap sa kanya matapos makuha ang kanyang cellphone kamakalawa ng gabi sa San Miguel, Pasig City.

Sa rehas na bakal na maglalaro ng baril-barilan ang suspek na si John Michael Vergel y Tosing, nasa hustong taong gulang, matapos sampahan ng kasong robbery hold-up sa Pasig prosecutor’s office.

Batay sa report, papauwi na ang biktima na si Salvacion Penas y Villanueva, residente ng Barangay San Miguel, nang harangin ng suspek na sakay ng bisikleta bandang alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Sandoval Avenue, San Miguel, Pasig City.

Ayon sa biktima, bigla siyang hinarang ng suspek at tinutukan ng baril sabay hingi ng kanyang cellphone.

Sa takot ay agad na ibinigay ni Penas ang kanyang cellphone at agad na umalis ang suspek habang nagtatakbo naman ito at nakahingi ng tulong sa traffic enforcer na nagresulta ng pagkahuli sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?