477

Dec 27, 2020 @ 16:15
By

Bebot hinabol tumawid na aso, nasagasaan ng tren

Nahagip at nakaladkad ang isang babae papailalim ng tren ng Philippine National Railways (PNR) matapos niyang habulin ang kanyang alagang aso.

Ang biktima na si Joy Rachelle Equinan, ayon sa kanyang ate na si Jenny Rose, ay nasagasaan noong Disyembre 26 ng umaga matapos niyang habulin ang kanilang aso na patawid sa riles.

Agad na nanghingi ng pinansiyal na tulong sa Facebook ang mga kaklase at kapitbahay ng mga Equinan, at nilakip ang larawan ng nadisgrasyang babae.

Ayon pa sa mga kaklase ni Joy, sa repost ng PUP Memes, kasalukuyang nasa Jose Reyes Hospital ang biktima.

Samantala, binalita naman ng ate na naging mabuti ang operasyon ng kapatid kaninang umaga, matapos ang CT scan.

Nagpasalamat din si Jenny sa mga nagdasal at nagbigay ng tulong-pinansiyal para sa kanyang kapatid.

“Bali nilagyan po ng bakal yung balakang niya dahil nag-crack po yung buto niya duon. Tapos tinusukan din ng bakal yung sa isang tuhod niya dahil hindi na nagpantay yung bone niya sa legs,” wika ng nakatatandang Equinan sa Facebook.

“As of now, she’s in the ICU and still under observation. Pero thank God! The Lord is still good hindi pa din niya pinapabayaan ang family ko most especially my sister,” punto pa niya.

https://www.facebook.com/jenny.equinan/posts/4854982491210262?__cft__[0]=AZX7jCMAN-QLQAlW7dqhU6_0oErT9Tllq9i89GRCodq1vWkagTKDj6tWW_-80siXWnU4RCIrseGEwg_H7cZcC8KX5uN1XUzd9f4rlx7X_rRehnibYh204QZB0fYH6-mlT_o&__tn__=%2CO%2CP-R

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?