188

Sep 6, 2020 @ 18:43
By

Bebot gustong gumanti sa ex-BF, naglagay ng glue sa ari

Naglagay ng glue sa kanyang ari ang isang babae at pinagbintangang ex-boyfriend niya ang maysala. Pero nabuking siya ng awtoridad at hinuli.

Inakusahan ni Vanesa Gesto ng Spain ang dati niyang dyowa na si Ivan Rico na kinidnap at tinortyur siya noong 2016, ayon sa Spanish news reports via The Sun noong Setyembre 3.

Sabi ng babae, dinakip siya ni Rico sa labas ng kanyang bahay at tinangay siya gamit ang isang itim na kotse. Tapos, inabandona aniya siya ng halos hubong lalaki.

Dahil dito, inaresto si Rico at ilang araw na dinetene.

Gayunman, nakakuha ng CCTV footage ang mga imbestigador kung saan makikitang bumibili si Gesto ng glue sa isang supermarket, maging ng “kidnap kit” kabilang ang kutsilyo na ginamit niya para sugatan ang sarili.

Nakita rin ng pulisya na kaiba sa kuwento ng babae, sa security footage ay nakitang isang sasakyan lang ang dumaan sa lugar kung saan aniya siya kinidnap: isa itong trak at hindi itim na kotse.

Sabi ng kapatid ni Rico na si Rafael, natutulog si Rico sa panahon na sinabi ni Gesto ay kinidnap siya ng ex-BF.

Samantala, kinasuhan na si Gesto at napatunayang guilty sa dalawang kaso kabilang ang pagbuo ng gawa-gawang kaso.

Makukulong nang hanggang 10 taon ang babae, na binansagang “Glue Liar” sa Spain, at pinababayad ng danyos na 25,000 euros (nasa P1.4 milyon) kay Rico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?