43

Dec 27, 2017 @ 15:03
By

Bebot, 5 pa timbog sa droga

Bagsak  sa kulungan ang anim katao matapos ang isinagawang drug bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa Barangay Kaligayahan, sa nasabing lungsod.
 
Base sa inisyal na impormasyon alas 4:45 nang isagawa ang operasyon sa kanto ng Quirino Highway at Zabarte Road ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 5.
 
Kinilala ang anim na sina Florence Romano, 29, ng de leon st, St Michael subd, Brgy Hagunoy, Taguig city; Wilson Casitas, 30, ng Brgy tanyag, Taguig city; Jonathan Dimaano, 33, ng Brgy Central, Taguig city; Rainbow Solis, 23, ng  kaybiga , caloocan city; Eric Dela Torre, 22, ng Brgy Daang Hari, Taguig city ; at  Leozel Cipriano, 36 yr ng Brgy Hagunoy, Taguig city.
 
Nakumpiska sa kanila ang one isang Toyota Avanza , ang P1,000 buy bust money at 28 gramo ng hinihinalang shabu.
 
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang anim na naaresto.  (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?