mpbl
By

Beauty Queens, TV personalities rumampa MPBL opening ceremony

Sharing is caring!

Ilang sikat na personalidad ang rumampa bilang muse sa 2018 MPBL opening ceremony.

Agaw pansin ang pagpasok ng TV personality na si Empress Schuck suot-suot ang Filipinina gown para sa Zamboanga Valientes.

Parehong kulay naman ng San Juan Knights uniform ang suot ni Miss Universe 2017 Rachel Peters.

Ang volleyball star at Bb. Pilipinas na si Michele Gumabao ay rumampa ng naka-Filipiniana sa Makati Skycrapers.

Ang Ms. Earth-Air 2017 na si Kim De Guzman naman ang nagrepresenta sa Valenzuela.

Itinuring naman na best gown ng opening ceremony ang suot ng Ms. Universe PH 2016 na si Maxine Medina at pinresenta ang Basilan Steel.

At ang pinaka umagaw ng pansin sa opening ceremony ay ang pagrampa ng ‘King of Catwalk’ na si Sinon Loresca para sa Marikina Shoemasters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?