4,685

By

Beauty queen pumanaw sa edad na 31

Yumao sa edad na 31 taong gulang si Miss World Philippines 2012 3rd Princess April Love Jordan noong June 21.

Ayon sa report ng PEP, pumanaw si April dahil sa liver cancer.

Nagtapos siya ng Tourism, Hotel and Travel Industry Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Maliban sa Miss World Philippines, sumali na rin si April sa Binibining Pilipinas 2009, Mutya ng Pilipinas 2006, Miss Philippines Earth 2006 at International Beauty & Model Festival 2009.

Nakatakda umano siyang ilibing bukas, June 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?