174

Jul 12, 2020 @ 19:38
By

Beauty queen naglalako ng meryenda

Para magkaroon ng panggastos sa COVID-19 pandemic, inirampa ni Miss Sinulog 2020 Monika Afable ang kanyang beauty para magbenta ng meryenda.

Sa Facebook post ni Sisa Balan, kanyang binahagi ang larawan kung saan makikitang may hawak na kahon ng pilipit si Monika para kumita.

Nag-iikot-ikot si Monika sa kanilang lugar sa Borongan City, Eastern Samar, para magbenta ng pagkain.

Proud naman ang mga netizen sa ginagawang pagsusumikap ni Monika sa panahon ng krisis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?