726

By

Beauty queen GF ni Japeth naki-practice

Matapos ang practice ng Team Gilas Pilipinas sa Meralco Gym noong Lunes, tila hindi pa tumigil sa shooting practice si Brgy. Ginebra star Japeth Aguilar.

Ngunit wala itong kapares sa loob ng court kaya sinamahan ito ng kanyang beauty queen girlfriend na si 2015 Miss World runner-up Cassandra ‘Cassy’ Naidas.

Di naman nababahala ang 5-foot-10 longtime partner na si Naidas na pagpawisan kaka-habol at kakapasa ng bola pabalik kay Aguilar.

Minsan naring naging parte si Naidas ng varisty team noong high school sa Assumption Antipolo at La Salle women’s team, na isa palang Kobe Bryant fan.

Matapos ang practice, magkasamang umalis si Aguilar at Naidas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?