292

May 11, 2020 @ 19:58
By

Beauty queen, BF nag-beach arestado

Bagsak sa kulungan ang isang 26-anyos na beauty queen at kasintahan nitong foreigner matapos mahuling nagsi-swimming sa isang beach sa Cebu kahit may lockdown.

Kasalukuyang nakadetine sa Moalboal Police Station ang Cebuana beauty queen na si Maria Sesaldo Gigante at boyfriend niyang Spanish national na si Javier Filosa, 35.

Inilagay sila sa isang crisis holding center na hiwalay sa selda ng ibang detainee.

Papunta sana sa isang bayan sa Alegria ang dalawa para raw mangolekta ng donasyon pero dumiretso ang mga ito sa beach.

Sinuway umano ng dalawa ang enhanced community quarantine matapos maligo sa Panagsama Beach Resort sa Basdiot, Moalboal noong Linggo, Mayo 10.

Maliban sa pagsi-swimming, nahuli rin sina Gigante at Filosa na nag-iinuman pasado alas-5:30 ng hapon.

Nahaharap sila sa reklamong resistance and disobedience to a person in authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?