173

Feb 29, 2020 @ 15:36
By

Beauty goals! Walang kupas na ganda ni Kristine Hermosa viral!

Binighani muli ni Kristine Hermosa ang madla nang umapir ito sa segment ng “Eat Bulaga” nitong February 29.

Umusok sa Twitter ng mga hashtag na may kinalaman sa pagsalang niya sa #BawalJudgemental.

Ayon sa mga netizen, parang wine ang beauty ng misis ni Oyo Sotto na habang nagkakaedad ay lalong sumasarap o gumaganda.

“Grabe Kristine Hermosa aging like fine wine!” react ni @mykomykoman.

“My God!!!! AGELESS Kristine Hermosa,” ani @mrstarkxo.

“#BawalJudgemental 2-29-20 sabado judge is Kristine Hermosa, choices are couples who are married for more than 5 years. One pair has a little person, one is a lesbian and others are seniors. Ganda pa rin ni Tintin kahit matured na,” opinyon ni @Ailed43676514.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?