50
Beau Belga magiging coach na sa UAAP!
Mar 5, 2020 @ 22:09
By

Beau Belga magiging coach na sa UAAP!

Pwede nang isama ni Rain or Shine big man Beau Belga ang pagiging coach sa kanyang resume.

Masisilayan si Belga sa mga laro ng University of Santo Tomas Growling Tigers, na tinapik siya bilang big man coach.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging coach si Belga, at ayon kay UST head coach Aldin Ayo ay magiging malaking tulong ito katuwang ang isa pang parte ng coaching staff na si Jason Misolas.

“He’s going to help is with our big men kasi nag-iisa lang big man coach namin, si coach Jason,” ayon kay Ayo.

Inaasahan na sa pagdating ni Beau ay mas lalakas pa ang kanilang foreign student-athlete na si Soulemane Chabi Yo, pati na rin sina Bismarck Lina, Ira Bataller, Dave Ando at Rhenz Abando.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?