79

Dec 23, 2017 @ 11:27

Beau Belga, E-Painters pinalambot ang Ka Tropa

Naipako ni Beau Belga ang krusiyal na tira sa pagpasok ng huling dalawang minuto ng laro at napalambot ang TNT Ka Tropa para iuwi ang panalo, 82-79, sa pangalawang sultada ng 2017-18 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.

Nagtala ng 14 points at limang rebounds ang dating Philippine Christian U stalward na si Beau Belga para balikatin ang E-Painters.

Nakabalik mula sa 11 puntos na pagkakaiwan ang Texters pero nabigong dalhin sa OT ang laban matapos magmintis ang tres ni Kelly Williams sa pagtatapos ng laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?