865

Dec 6, 2021 @ 19:08
By

Beatrice kinarga si Miss Armenia inintriga

Inintriga ng mga netizen ang sideline moment nina Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez at Miss Armenia Nane Avetisyan.

Ibinahagi ng Miss Universe Organization sa Twitter ang video kung saan pinasan ni Gomez si Avetisyan.

Mapapanood sa video ang dalawa sa Israel kung saan magkasama silang nag-all-terrain vehicle.

Tila tumigil muna sila upang maglitrato.

“Always ready for a photo op!” sabi sa tweet ng Miss U Org.

Matatandaang kahihiwalay lang ni Gomez sa long-time girlfriend na si Kate Jagdon.

Kaya naman inasar si Gomez ng mga netizen na korona ang iuwi nito at hindi dyowa.

@jhnncklcmy: “Bea crown ang iuuwi ah?”

Yhen Otida: “Hahaha mukhang si Miss Armenia ang unang iuuwi, hindi ang korona.”

Maya Marie: “Soon mgiging cla crown ang iuwi hndi jowa.”

Ronimar Pasic: “Quotang guota si Beatrice. Daming babae sa MU.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?