31

By

Beagle kinupkop ang 2 kuting

Nagmistulang magulang ng dalawang kuting ang isang taong gulang na beagle na si Daisy.

Nakakapaggawa pa ang aso ng gatas para sa pares na siyam na linggong-gulang na pusa na sina Fletcher at Dexter, na kamakailan lamang lumipat sa kanilang tahanan sa Staplehurst, England.

Ayon kay Jane Whitton, amo ni Daisy, hindi pa nanganak ang isang taong gulang na beagle ngunit tinuturing na niyang sa kanya ang dalawang kuting.

Dagdag pa ni Jane, sobrang nasabik si Daisy nang inuwi nila ang bago niyang mga kaibigan.

Lumaki siya kasama ang mga pusa, ngunit bago ang mga kuting para sa kanya.

“She became very maternal with them .. she was always running after them to bathe them. Daisy is basically like their mum,” sinabi ng 36-taong gulang na publishing subscription manager.

“They’re best friends, they spend all of their time together. If any other dog goes near the kittens Daisy gets really protective and will get between them. She’s their protector and surrogate mum.”

Lumaki si Whitton sa isang ‘animal mad’ environment kung saan marami silang alagang mga hayop.

Matagal na niyang ginusto magkaroon ng ginger na pusa, kaya’t niya kinuha si Dexter sa isang magsasaka na naghahanap ng mga mag-aampon sa mga pusa.

Ang hula ni Whitton ay mas lalalim pa ang ugnayan ng tatlong mga alaga niya habang tumagal.

Sabi niya, “It’s lovely to see, it’s very sweet. They’re best friends, we’re saying that as they grow up they’ll see her as her mum and friend.They’ll run around the living room playing hide and seek with her under the sofas. I think it’s the beginning of a lifelong friendship.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?