14

Jun 19, 2021 @ 15:00
By

Beach volley teams ng ‘Pinas bigo makapasok sa Olympics

Sawing-palad ang apat na pares ng beach volleyball players na pinadala ng Pilipinas sa AVC Continental Cup sa Nakhom Pathom, Thailand na makapasok sa Olympics.

Matapos manalo sa unang set, bigo pa rin ang tambalang Bernadeth Pons at Sisi Rondina na mapanalo ang laban kontra kina Alice Zeimann at Shaunna Marie Polley ng New Zealand, 21-19, 10-21, 15-12.

Ang isa pang pares sa women’s division na sina Dij Rodriguez at Baby Love Barbon ay tinambakan rin ng pares na tumalo kanila Pons at Rondina, 14-21, 13-21.

Sa men’s division, tinambakan lang din ang tambalan nina Jaron Requinton at James Buytrago nina Christopher McHugh at Damien Schumman ng Australia, 11-21, 15-21.

Samantalang ang isa pang pares ng Pinoy beach volleyball players na sina Anthony Arbastro at Jude Garcia ay natalo via forfeiture matapos magtamo ng pilay sa tuhod si Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?