152
beach-house
By

Beach house ni LeBron James, P4-M kada linggo ang gastos

Sharing is caring!

Walang pakundangan sa paggastos si LeBron James habang ipinapahinga ang katawan sa kanyang pagbuhat sa Cleveland Cavaliers hanggang NBA Finals sa nakaraang NBA season.

Ayon sa TMZ, kulang-kulang $75,000 o halos P4 milyon ang gastos ng NBA superstar tuwing linggo sa kanyang tinutuluyang villa sa Anguilla Beach House sa Meads Bay.

Walong master bedroom, 44 ft. infinity pool, personal chef, butler, home theatre at direktang beach access ang ine-enjoy ngayon ni James.

Hindi siya ang unang nakatapak sa sikat na beach house makaraang tirahan din ito ng popstar na si Justin Bieber ilang taon na ang nakakaraan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?