1,442
bea-gerald
May 11, 2018 @ 16:14
By

Bea wala nang balak makipagbalikan kay Gerald

Wala ngang nagtanong kay Bea Alonzo sa presscon ng Kasal ng tungkol sa break-up nila ni Gerald Anderson. Though from a source, kahit na break na raw ang dalawa, maayos naman daw ang mga ito at nag-uusap pa rin.

Kaya naman nag-post pa nga si Gerald sa Instagram account nito bilang suporta niya sa pelikula at nag-thank you rin si Bea.

From the said source, hindi na rin pala talaga nagkabalikan ang dalawa pagkatapos nu’ng isyu kunsaan, lumabas din ang pangalan ni Pia Wurtzbach. But at least, okey naman ang relasyon nila. Pero, sabi nga, wala na raw balak makipagbalikan si Bea kay Gerald ngayon.

Anyway, sabihin man na kagagaling sa break-up, positive pa rin si Bea when it comes to marriage. In fact, nang tanungin sila kung naniniwala sila na dapat na ngang isulong ang divorce, para raw kay Bea ay hindi.

“Para sa akin kasi napaka-importante ng marriage. No offense meant to those who have been into divorce. I don’t judge them.

“But for me lang, why get married if you’ll eventually get a divorce,” sabi ni Bea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?