304

By

Bea umaming insecure sa katawan niya

Behold! Time has come! Super out na ang aktres na si Bea Alonzo sa pagsusuot ng bikini! Yes, tama! Bikini nga! Litaw na litaw nga ang kinis ng balat at kaputian ng aktres sa kaniyang blue bikini na suot sa kaniyang Palawan trip!

Bukod sa Instagram story ni Bea kung saan medyo may pasilip din ng cleavage, binulabog nga ng aktres ang lahat sa kanyang Instagram post.

Well, as everyone knows, kahit may sexy figure ang aktres, kahit nakakapag-sexy siya na gown, hindi talaga siya masyado nagpo-post ng naka-bikini siya. Hindi naman siya totally balot na balot talaga pero kasi lagi lang siyang sophisticated tingnan sa kanyang mga aura. ‘Yun bang sexy pero hindi too much skin?

Ipinaliwanag naman ng aktres na hindi nga siya ‘yung tipo ng tao na pala-post ng bikini pictures pero napagdesisyunan niya raw na baguhin na ang mindset na iyon at simulan nga na tanggaling ang insecurities niya.

Yes, may pag-amin ang aktres na nai-insecure siya dahil tingin daw ng ibang tao ay mataba siya. Inenganyo naman ni Bea ang mga makakita ng kanyang post na tanggapin ang kanilang kapintasan.

Siyempre pa, bumuhos ang pagmamahal at suporta ng kapwa artista para kay Bea. Mata-touch ka rin sa ilang mensahe ng ibang artista dahil makikita mo kung gaano nila binibigyan ng lakas ng loob ang aktres para nga tuluyan nang mawala ang nararamdaman nitong insecurities.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?