23

Jun 13, 2020 @ 15:45

Bea pinakain ang mga OFW sa ilalim ng tulay

Hindi natiis ni Bea Alonzo na makitang nanginginig sa ginaw at gutom ang mga dumating na OFW na na-stranded sa airport na dapat sana ay lilipad patungong Mindanao, kaya dali-dali siyang nagpadala ng tulong para sa mga ito.

Nakaposte sa Instagram ni Bea ang ilang mga larawang kuha sa pamamahagi ng kanyang team (I am Hope Organization) ng mga blanket at pagkain sa mga worker.

Nakasaad sa message ang mating awa na naramdaman ni Bea sa mga OFW na nakasilong sa ilalim ng Skyway para hindi mabasa ng ulan.

Isa talaga si Bea sa mga personalidad sa showbiz na hindi tumitigil sa pagtulong, kapag may mga sitwasyong kailangan ng saklolo. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?