169

Jan 2, 2018 @ 14:43
By

Bea & Gerald magkasama sa New Orleans; Pia & Marlon sa Zurich naman

Sa holiday season at sa Instagram nagkakalabasan ang minsang sinasabing private moments nang mga artista na ayaw nilang pinakikialam nang mga netizen sa kanila.

Ang mga usaping ayaw nilang pag-usapan ng media o topic sa presscon ng kani-kanilang mga projects ay nasisilip sa Instagram.

Gaya na lamang nang ayaw pa ring kumpirmahing relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa public pero nasisilip naman na magkasama sila sa mga bakasyon nila na nakaposte sa Instagram.

Magkasama sina Bea at Gerald sa New Orleans nitong holiday season. Akala nga nang marami hindi magkasama ang dalawa dahil sa mga postings nila hindi nakikita ang isa’t-isa sa kanila.

Nito lang nang bumisita sina Bea at Gerald sa isang old cemetery sa New Orleans, kung saan nalantad sa IG na magka-join pala ang dalawa.

Wala namang masama dahil parehong walang extra baggage ang dalawa at matagal na rin namang item ang pagkakabalikan nila.

Ang isa pang celebrity couple na magkasama sa bakasyon ay sina Pia Wurtzbach at ang car racer driver boyfriend nyang si Marlon Stockinger.

Noong una pawang photos lang ni Pia ang nasisilip ng mga followings nya sa Instagram at ang mga lugar na pinapasyalan nya.

Sa isang photo na pinoste niya sa IG wall, ang close up shot ni Marlon nakumpirmang magkasama nga ang dalawa sa bakasyon.

Pinasalamatan pa ni Pia ang boyfriend sa pagtu-tour sa kanya sa hometown ng pamilya ni Marlon sa Zurich, Switzerland.

Nanatiling matatag ang relasyon nang dalawa na mapapatunayan sa vacation na ito sa “my love” message ni Pia sa kasintahan.

@piawurztbach, “My bestfriend thank you for showing me around your hometown, my love, @marlonstockinger.”
Inakala noong 2017 na maghihiwalay na ang dalawa matapos lumabas ang balitang may kambal na love child pala ang race driver sa isang dating fashion model.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?