115

Sep 15, 2021 @ 19:05
By

Bea namudmod ng grocery sa mga hinagupit ni ‘Jolina’

Nagpasalamat kay Bea Alonzo ang mga biktima ng bagyong Jolina sa Barangay Calayo, Batangas dahil sa malaking tulong nito sa kanila.

Hinatiran ang mga “Jolina” survivor ng 1,600 relief packs ng charity organization na “I Am Hope” ni Bea.

Maging ang kapwa celebrity ay pinuri ang aktres.

“Wow!!! Proud of you,” comment ni Dimples Romana.

“Thankyou Ms Bea sa pagtulong sa aming brgy Calayo.sobrang laki ng naitulong mo thankyou pang palain kp ni God!stay safe God bless you!” sambit naman ng netizen na si mythcblg.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?