57

Sep 13, 2021 @ 19:52
By

Bea nakakita na ng aasawahin

Aasawahin na ang tingin ni Bea Alonzo sa nobyo niyang si Dominique Roque.

Aniya sa “The Boobay and Tekla Show”, isang “husband material” si Dominique.

“At this point in my life, hindi naman ako papasok sa isang relasyon na hindi naman seryoso pagkatapos ng lahat. Pangseryoso naman talaga. So oo, husband material,” anang aktres nang tanungin kung husband material na ba ang tingin niya kay Dominique.

Mahilig daw silang kumain ni Dominique pero sa ngayon daw ay masyado pang maaga para pag-usapan nila ang pagpapakasal.

“Sa ngayon kasi parang too early. We’re still getting to know each other on a deeper level.

“Para sa akin kasi, parang ayokong magpa-pressure just because nagkakaedad ka na at lahat ng kaibigan mo nagpapakasal na para sa akin may kanya-kanya tayong timeline,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?