95

Oct 26, 2021 @ 15:34
By

Bea nagpaulan ng pera, grocery, cake

Nagpaulan ng blessings sa kanyang kaarawan si Bea Alonzo.

Sa vlog niya, sinabi ni Bea na dahil sa dami ng blessings na natanggap niya ay naisipan niyang gumawa ng mabuti sa iba.

Personal silang nag-pack ng 50 kahon ng grocery at pastries para sa mga health worker sa Philippine General Hospital (PGH).

Bukod doon, namigay din siya ng cash na P3,000 at sampung kilo ng bigas kada health worker.

Para naman sa mga fan na may birthday ng “Ber months”, binigyan ni Bea ng cake ang 24 sa mga ito.

Noong October 17 ang 34th birthday ni Bea.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?