85

By

Bea nag-open up kay Richard tungkol kay Gerald

Inamin ni Richard Gutierrez na nag-open up sa kanya si Bea Alonzo sa mismong araw kung kailan na-brokenhearted ang aktres kay Gerald Anderson.

“It was the day na nangyari ‘yung heartbreak niya, so iyon ang napag-usapan namin,” kuwento ni Richard sa PEP report.

Noong sumunod na araw aniya nang mag-meeting sila tungkol sa movie na “Unbreakable” ay instantly nag-bond sila ni Bea.

“The next day, nag-meeting kami for the movie. So, parang nakilala ko agad siya. Siyempre, kapag may pinagdadaanan ang tao at nag-open up siya, automatic makikilala mo na siya and you’ll feel for that person. So parang automatic, instantly, nag-bond agad kami,” sabi pa ni Chard.

Naitanong sa Kapamilya actor kung iniyakan ba siya ni Bea.

“Parang hindi naman siya umiyak.”

Dagdag pa ni Richard, kaunti lang ang ibinigay niyang payo kay Bea dahil nag-iingat siya sa sasabihin sa huli dahil sobrang fresh pa ‘yung nangyari rito.

Kaya andoon lang siya para makinig at i-comfort ang aktres.

Si Bea raw ang ninang ng bunsong anak ni Richard na si Kai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?