9

Oct 26, 2020 @ 14:57
By

Bea, Mimiyuuuh ‘di immune sa mga basher

Aminado sina aktres Bea Alonzo at vlogger Mimiyuuuh na naaapektuhan pa rin sila sa mga negatibong reaksiyon sa kanila ng madla.

Pero mas pinagtutuunan na lang ng pansin ng dalawa ang mga pumupuri sa kanila at ang mga dumarating na biyaya sa buhay nila.

“Siyempre hindi naman ako ipokrita. Naa-affect talaga ako. But siguro, being in the industry for 20 years, parang naging training ko na ‘yun to just shrug it off,” sambit ni Bea sa kanyang latest vlog.

“I mean, this may be a source of income, this may be your job or your career, but you have another life after this,” aniya pa.

“Basta nu’ng nagbasa po ako ng comment tapos may isa akong nabasang negative, naapektuhan po ako. Pero ‘yung mga real friends ko po, ‘yung mga hindi ko po talaga nasasama sa mga vlog ganyan, ang sabi po nila sa akin, ‘Bakit mo naman hahayaang maapektuhan ka ng isang negatibong comment kung mas marami naman po ‘yung mas positive na comment?’,” kwento naman ni Mimiyuuuh na special guest sa vlog ng aktres.

Nagpayo rin ang YouTuber-fashion designer sa mga basher:

“Kung wala po kayong nais na magandang sabihin, ‘wag na po kayong mag-type type ng kung anu-anong negatibo.”

“‘Di naman po kayo kumita kapag nagsasabi kayo ng ‘Uy, ang panget mo naman Mimi,’ ‘di ba? Wala naman positive na napunta sa inyo, you know what I’m saying? You’re all hating there, but watch us getting money,” sey niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?