57

Aug 12, 2020 @ 15:26
By

Bea hiyang-hiya kay Mayor Vico

Hindi inasahan ni Bea Alonzo na magiging viral ang larawan niya kasama ang kapwa-single na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa usapan ng aktres at ni writer G3 San Diego sa Instagram Live, binalikan ang pag-donate ng relief goods ng “I Am Hope” org nila Bea sa lungsod ng Pasig.

“As much as possible, I try not to make it about me. Kasi I feel like it’s bigger than me,” sey ni Alonzo, at pinaliwanag na kaya personal siyang nagpaabot ng ayuda ay para mahikayat ang mga mamamayan na tumulong habang may krisis.

Kinwento niya rin na kaya naging ganun ang caption niya tungkol sa donasyon–“Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo. Joke!–ay dahil biruan ito ng kanyang orgmates at sa mismong pag-aabot ng relief goods.

Binanggit kasi ni Bea si Coney Reyes, na real-life mom ni Vico at gumanap naman na nanay ni Alonzo sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding”.

Windang naman daw siya sa overwhelming reaction ng fans na gustong magkatuluyan ang aktres at ang alkalde.

“Kasi I thought it was just funny. Kasi ‘yung time na nandun kami, we were murmuring about it. Even ‘yung taga I AM HOPE. So I thought it would be funny if I post something like that. So hindi ko naman inaasahan na magiging ganu’n,” lahad ni Alonzo.

“Alam mo, after hiyang-hiya ako talaga. Nakakainis pa si Janus (del Prado). ‘Yun ‘yung friend mo na nilalaglag ka. Alam mo ‘yun. Hiyang-hiya talaga ako sobra.”

“Alam mo, I have so much respect for him because first-hand nakita ko how his people respect him. And talaga sobrang organized sila du’n. They practice social distancing, may sistema talaga du’n. So mas tumaas ‘yung respeto sa kanya in fact,” aniya pa.

View this post on Instagram

Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo! 🤣 Joke! Team I AM HOPE went to Pasig this afternoon to turnover relief bags and disinfectants for the frontliners. Thank you, Mayor Vico Sotto and Cong. Roman Romulo, for your time. 🙏🏻 In line with Father’s Day, we intend to celebrate the fathers who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage. MARAMING SALAMAT PO sa mga tatay na street sweepers at garbage collectors sa pagtulong sa ating kumunidad at sa pagttrabaho ng marangal para sa kanilang pamilya. From the I AM HOPE FAMILY, HAPPY FATHER’S DAY! swipe! . . . @iamhope_org @thisisrinanavarro @tricia_canilao @iam_mariamay @vicosotto @cong.romanromulo @shalanisoledad

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?