17

Feb 22, 2021 @ 10:02
By

Bea gumastos ng milyon para sa artwork

Nag-alangan pa si Bea Alonzo — isang kilalang art lover — na sagutin ang tanong kung magkano ang ginastos niya sa isang piece of art.

“Sabihin ko talaga ‘yan?” usisa ni Bea sa kanilang vlog collaboration ng komedyanteng grupo na Beks Battalion.

Hindi nagsabi ng eksaktong halaga ang 33-anyos na aktres pero bumigay din dahil sa panghihikayat ng kanyang teammates sa larong “Spill Your Guts,” kung saan dapat sagutin ang isang tanong o kumain ng nakakadiring pagkain.

“Ilang digits na lang. Sige, seven digits,” tugon ni Alonzo.

Kanya-kanya namang hinala ang Beks Battalion sa kung anong artpiece sa bahay ang tinutukoy ng Kapamilya star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?