211

By

Bea, Gerald nagdedmahan sa Sinulog?

Nakibahagi ang GMA-7 at ABS-CBN 2 sa ginanap na Sinulog Festival sa Cebu.

Ang Sinulog ang pinakamalaking selebrasyon ng Sto. Niño feast sa buong Pilipinas.

Naka-post sa Instagram ni Pokwang ang pagsasayaw niya sa kalye habang hawak ang imahen ng Sto. Niño.

Nakasuot din ng Regasco kitchen outfit ang komedyana para i-promote rin ang ineendorsong cooking gas tank.

Sa kanyang post, walang bahid ng promotion sa product ang laman ng mensahe ni Pokwang kundi ang kasiyahan niyang mapabilang sa selebrasyon. Binanggit lang nito ang Regasco sa kanyang message.

“Grabe sarap ng pakiramdam na niyayakap mo ang iyon sariling kultura at nakikisaya kasama ng mga totoong tao. Salamat po mahal na Sto. Niño #vivapitsenyor,” sabi ni Pokwang.

Sumakay naman sa float ng Kapuso sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at iba pa. Hindi nakasama si Jasmine Curtis-Smith sa parada dahil inaatake ito ng asthma at iba pang karamdaman.

Rumampa rin ang bida ng “A Soldier’s Heart” na pinagbibidahan Gerald Anderson.

Eh, nataon na nandu’n rin si Bea Alonzo, ha!

Ang tanong: Nagkita, o nagdedmahan nga ba ang dalawa? (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?