336

Dec 20, 2017 @ 16:46

Bea, excited na sa horror movie nila ni Charo Santos-Concio

Excited na si Bea Alonzo na makatrabaho si Charo Santos-Concio para sa upcoming horror movie na ‘Eerie’.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak sa horror film si Bea na ididirehe ni Mikhail Red, ayon sa PEP.

Malaki naman ang pasasalamat ni Bea sa pagkakataon na ito sa kanyang career at isang challenge daw ito sa kanya dahil hindi siya tagahanga ng ganoong klase ng pelikula.

Takot daw umano kasi siyang manood ng horror gaya na lamang ng ‘The Exorcism of Emily Rose’ at ‘The Ring’.

“This is going to be my first horror movie and what a great honour to be doing it with THE Charo Santos. She has not done a horror movie since “ITIM” back in the late 70’s. I can’t even begin to tell you how overwhelming this is,” ani Bea sa kanyang IG account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?