318

Jun 23, 2018 @ 19:02
By

Bea de Leon handa nang bumira sa PSL

Excited si Foton Tornadoes rookie Bea de Leon sa kanyang unang pagsalang sa Chooks-to-Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayong Sabado sa Araneta Coliseum.

Sa panayam ng Abante/Abante Tonite sa dating Ateneo Lady Eagle, masaya umano siya dahil isang panibagong kabanata ito para sa kanya at kanyang career.

“Maraming nagsasabi na iba talaga ang UAAP kasi your playing for the school, pero what’s good in the pros, a lot of here are veterans, so mas marami akong matutunan in terms of bettering my plays,” ani Bea.

Binanggit rin niya ang ilang sinabi ng kanyang coach na kailangan nilang maging intact at hindi aniya lingid sa iba na bago siya at kailangan na nilang enjoyin ang kanilang laro.

Masaya rin si De Leon na kakamapi niya na ang magkapatid na Jaja at Dindin Santiago at sabay biro na hindi niya ito kailangang i-block pa.

Natutuwa rin ito para sa kanyang dating teammate na si Jhoanna Maraguinot na maglalaro sa Sta. Lucia na maaari niyang makakalaban.

“Siyempre exciting din kasi nga we’re both starting a new chapter of our lives. I’m very happy for her, I hope her career goes well. Pero siyempre mahirap yun baka hindi namin ma-side yung kulitan namin,” dagdag nito. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?