395

Dec 22, 2017 @ 16:49
By

Bea Binene todo-deny sa halikan sa mestisong guy

Kamakailan lang ay isang source din namin ang nagparating sa aming pep alerts squad na nakita raw nila si Bea Binene sa isang restaurant ng sosyaling mall na may kasamang mestisong guy na parang boyfriend na raw nito. Nakita pa raw silang naghahalikan?

Kaya kinlaro na namin ito sa Mommy Carina niya na super-tsika naman sa amin lagi.

Sabi ng Mommy Carina sa amin, nandun daw siya sa dinner na iyun ng anak niya kasama ‘yung guwapong mestisong guy.

Hindi raw iyun boyfriend ni Bea pero nanliligaw daw ito at close naman daw talaga sila ni Bea, pati sa kanila.

Nakausap na rin namin si Bea, at nilinaw niya sa aming walang halikan doon sa restaurant.

“Baka po nakita lang ng source niyo na parang nagbubulungan kami, pero hindi po naghahalikan,” natatawang pahayag ni Bea.

Close naman daw talaga sila nu’ng guy, pero hindi pa raw sila magdyowa.

“Hindi pa po kami. Pero guwapo po ba?” parang kinikilig pa niyang tanong sa amin.

Guwapo nga raw sabi ng source namin, at sweet naman daw silang tingnan. Kaya tingin ng source namin boyfriend na ito ng Kapuso young actress.

Sabi naman ni Bea, kung sakaling magka-boyfriend daw siya uli, mas gusto raw niyang non-showbiz na. Pero sana, magka-show na uli si Bea sa GMA 7 bago mapag-usapan itong bago niyang boyfriend. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?