77

By

Bea Binene naiinggit kay Inah de Belen?

Sharing is caring!

Hindi itinaggi ni Bea Binene na minsan na niyang na-meet si Inah de Belen, ang present girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Jake Vargas.

Kuwento ng bida ng GMA-7 teleserye na Kapag Nahati Ang Puso na sa photoshoot para sa folio ng GMA Artists Center niya na-meet si Inah nang personal.

“Nagkita po kami matagal na po. Siguro ‘yung folio shoot ng Artist Center a year ago.

“Nagpakilala po ako kasi first time namin nag-meet. Sabi ko, ‘Hi, I’m Bea’ ganun lang,” sey pa niya.

Wala na raw silang issue ni Jake dahil matagal na raw silang naghiwalay at naayos na ang anumang naging problema nila.

“Siguro kung may nag-i-issue po ay ewan ko na lang sa kanila. At parang ang tagal na niyan.

“Siguro naman nag-move on na ang mga tao. Kung ano man ang mga nangyari before, naka-move on na, okay na, iba na ang mga taong nasa paligid namin,” diin ni Bea na may non-showbiz boyfriend. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?