bea-binene
By

Bea B. major pasabog ang lampungan kay Benjamin

Sharing is caring!

Mas daring na Bea Binene ang mapapanood sa pagbibidahan nitong afternoon teleserye na Karibal Ko Ang Aking Ina. Pinaghahandaan na ni Bea ang mga magiging eksena niya kasama ang nagbabalik sa GMA-7 na si Sunshine Cruz.

“For a change, different Bea Binene talaga. Kaya nakaka-excite po na mag-start, ‘yun nga lang nakaka-pressure rin mag-start.

“Lahat po ng mga hindi ko pa nagagawa sa isang teleserye ay first time kong gagawin dito sa Karibal Ko Ang Aking Ina. Para na rin po makita na ng marami ang maturity ko as an actress.

“Excited na ako to work with both Ms. Sunshine Cruz and Benjamin Alves,” sabi ni Bea.

Sa tanong kung sasabak na ba si Bea sa mga kissing scenes at love scenes, tikom ang bibig nito at sinabing hintayin na lang ang pag-ere ng teleserye nila dahil isang major-major pasabog ito.

As for Sunshine, excited din ito sa gagawin niyang teleserye for GMA-7. Glamorosa ang role niya rito pero mabibigat ang magiging eksena nila ni Bea.

Ang pag-aagawan naman nilang si Benjamin ay handa na sa gagawing eksena with both Bea and Sunshine.

“It’s always nice to work with somebody new kasi we’re presented with challenges,” pagtapos pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?