Masayang ibinalita ni Bea Alonzo na negatibo ang resulta ng kanyang COVID-19 test.
“The only ‘negative’ I need [laughing emoji],” caption ni Bea sa Instagram photo ng kanyang rapid test result.
Isa si Bea sa mga celebrity na aktibo sa pagtulong ngayong COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang binuo niyang relief organization na I Am Hope, na nakalikom kamakailan ng P9 milyong cash at in-kind donations.