22

May 3, 2021 @ 15:52
By

Bea Alonzo nagpaulan ng datung

Namudmod ng pera sa kanyang mga kasambahay at ilang frontline worker si Bea Alonzo noong Labor Day.

Sa kanyang YouTube vlog noong Sabado, nakipaglaro rin ang aktres sa kanyang mga kasambahay na tinawag na “Labor Games” kung saan namigay siya ng P20,000 sa mga winner at P10,000 consolation prize.

“In these trying times, I can’t help but thank those who go the extra mile to keep us all safe. To our frontliners, delivery drivers, and especially the angels in our household who ensure our safety and health, THANK YOU,” aniya.

Sinorpresa naman ang aktres ang food delivery rider ng P15,000 matapos dumating ang inorder niyang pagkain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?