25

May 22, 2020 @ 15:28
By

Bea Alonzo, nagpakain sa mga frontliners at mga na-stranded na estudyante

Habang patuloy ang krisis na dulot ng coronavirus pandemic, puspusan parin ang pagtulong ni Kapamilya actress Bea Alonzo.

Kasama ang I Am Hope Org., nagbayanihan ang mga ito upang makapaghatid ng 500 food packs sa mga na-stranded na estudyante ng UP-Diliman at frontliners ng Youth for Nationalism and Democracy at opisina ni Vice President Leni Robredo.

Mismong si Alonzo, katuwang pa sina Vhong Navarro at Rina Navarro, ang nagluto ng Arroz Ala Cubana food meals na kanilang ibinahagi.

“Even though we’re miles away from each other, it was as if I was cooking right next to them, with the same goal of putting smiles on people’s faces and filling their tummies with food prepared with LOVE and HOPE.” caption ni Alonzo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?