45

Sep 12, 2021 @ 14:45
By

Bea Alonzo ibinunyag idol na vlogger

Ibinunyag ni Bea Alonzo ang kanyang idol pagdating sa pagba-vlog.

Sa kanyang latest vlog nitong Sabado, inamin niyang hinahangaan niya ang YouTube channel ni island girl Andi Eigenmann.

“I am a fan of ‘Happy Islanders.’ I like their content,” anang aktres.

“Parang feeling ko gusto ko rin tumira sa Siargao,” hirit pa niya.

Ani Bea, gustong-gusto niya ang pagiging positibo ng pamilya ni Andi dahilan para maging big fan siya ng vlog nito.

Bukod sa nasabing vlog, inamin ng aktres na naaaliw din siya sa cooking shows nina Erwan Heussaff, Judy Ann Santos at Richard Gomez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?